Nung bata pa ako, ang gusto ko lumaki na ako kagad. Makapag suot ng high heels,makapag make-up pero ngayong may mga anak na ako naisip ko ang sarap pala ng buhay ng mga bata. Dapat pala ienjoy natin ang ating pagkabata ng wagas dahil di na natin ito mauulit. Naenjoy ko naman ang childhood days ko, naranasan kong maglaro sa putikan, maligo sa ulan, makipagkarera ng bike, laro sa kalye at kung anu-ano pang kalokohan na nakakatuwng balikan. Nakakatuwa rin pag naikwekwento ko sa mga anak ko yung ginagawa ko nung bata pa ako. Andami nilang tanong...
Ang bata walang iniintindi,walang obligasyo dependent pa sa mga magulang at madalas binebaby.. Sana hindi na lang tayo tumatanda...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento